Sining ng Salita at Pagpapahayag: Isang Diskursong Pagsusuring Komunikasyon sa Pampublikong Lugar

Authors

  • Ivy Grace Calipes Kapalong College of Agriculture Science and Technology, Philippines

Keywords:

denotasyong kahulugan, pampublikong lugar, reperensyal na kahulugan, wikang balbal

Abstract

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong makagawa ng isang pagsusuri sa iba’t ibang uri ng mga balbal na salitang nabubuo at ginagamit sa mga pampublikong lugar. Ang pananaliksik na ito ay ginamitan ng kwalitatibong pamamaraan gamit ang dulog na diskurso upang makagawa ng pagsusuri at pag-aanalisa sa 53 balbal na salita o terminolohiya bilang korpora na gagamitin sa pag-aaral na nakalap mula sa masusing pag-oobserba sa aspekto ng pakikipagkomunikasyon sa pampublikong lugar. Batay sa resulta, napag-alamang, una, mayroong siyam na morpolohikal na prosesong tampok sa pag-aaral, kabilang ang panghihiram, pagbabagong semantiko, pagpapaikli, pagbabaliktad, paggamit ng inisyalismo at acronym, pagpapalit pantig, tambalan ng mga salita, pagdaragdag at maramihang proseso o kumbinasyon. Ikalawa, ang bawat terminolohiyang balbal ay nagtataglay ng angking morpolohikal na katangian at kahulugan batay sa denotasyon at reperensyal na pagpapakahulugan ayon sa gamit ng salita sa lipunan.

Downloads

Published

2025-10-03

How to Cite

Calipes, I. G. (2025). Sining ng Salita at Pagpapahayag: Isang Diskursong Pagsusuring Komunikasyon sa Pampublikong Lugar. Pamulingan: KCAST Journal of Natural and Cultural Sciences, 1(1), 21-37. https://ieesjournals.com/index.php/kcastjournal/article/view/240

Similar Articles

You may also start an advanced similarity search for this article.