Antas ng Akademikong Pagganyak at Kakayahan sa Pagtuturong Asignaturang Filipino ng mga Pre-Service Teachers na Kumukuha ng Kursong Edukasyon sa KCAST
Keywords:
akademikong pagganyak, deskriptibo, kwantitatib, kakayahan sa pagtuturo, pre-service teachersAbstract
Ang pag-aaral na ito ay may layuning siyasatin ang makabuluhang ugnayan sa pagitan ng antas ng akademikong pagganyak at kakayahan sa pagtuturo ng mga pre-service teacher na nagtuturo ng asignaturang Filipino at kumukuha ng kursong edukasyon sa Kapalong College of Agriculture, Sciences and Technology (KCAST). Upang makamit ang layuning ito, ginamit ng mga mananaliksik ang non-eksperimental—kwantitatibong disenyo ng pananaliksik sa pamamaraang deskriptibong korelasyunal. Ang mga kalahok ng pag-aaral ay binubuo ng limampu’t anim (56) na pre-service teachers mula sa kursong Bachelor of Elementary Education – Generalist at Bachelor of Secondary Education Major in Filipino. Ayon sa resulta ng pananaliksik, ang antas ng akademikong pagganyak ay may mataas na resulta. Para naman sa kakayahan sa pagtuturo, nakakuha rin ito ng mataas na resulta. Bilang kabuuan, makikitang mula sa mga datos na may mataas, positibo, at makabuluhang ugnayan ang antas ng akademikong pagganyak at kakayahan sa pagtuturo. Samakatuwid, nangangahulugan ito na ang null hypothesis ng pag-aaral ay hindi tinanggap sapagkat malinaw na ang dalawang baryabol ng pananaliksik na ito ay may makabuluhang ugnayan.
Downloads
Published
Issue
Section
License
Copyright (c) 2025 Pamulingan: KCAST Journal of Natural and Cultural Sciences

This work is licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial 4.0 International License.