Epekto ng Kakayahan sa Pagtuturo sa Kaganyakan ng mga Mag-aaral sa Pag-aaral ng Asignaturang Filipino Dulot ng Pandemya
Keywords:
Kakayahan, kaganyakan, asignaturang FilipinoAbstract
Ang layunin ng pag-aaral na ito ay upang malaman ang makabuluhang ugnayan ng kakayahan sa pagtuturo ng guro at kaganyakan ng mga mag-aaral sa pag-aaral ng asignaturang Filipino sa UM Panabo College sa taong panuruan 2022-2023. Ito ay isang kwantitatibong pananaliksik kung saan ginamitan ito ng descriptive correlational method na disenyo at istadistikang pamamaraan ng Mean at Pearson (r). Ang mga respondente ng isinagawang pananaliksik ay ang kasalukuyang mag-aaral ng UM Panabo College taong panuruan 2022-2023. Ayon sa resulta ng pag-aaral nakakuha ang kakayahan ng guro sa pagtuturo ng grand mean na 4.49 at ang kaganyakan ng mga mag-aaral sa pag-aaral ng asignaturang Filipino ay nakakuha ng overall mean na 3.97. Ang correlation balyu (r-value) ay 0.431 at ang p-balyu ay 0.000 na mas mababa kaysa 0.05 kung kaya ito ay nangangahulugan na may makabuluhang ugnayan sa kakayahan ng guro sa pagtuturo at kaganyakan ng mga mag-aaral sa pag-aaral ng asignaturang Filipino.